Sunday, July 29, 2007

after friday the 13th

hay. o buhay.
ang daming problemang dumarating.
uhumm..tingin ko..magiingles ako sa post na ito..
uhum..

School - according to Merriam Webster Dictionary:
an institution for teaching and learning

It is composed of learning people and learned people. The system of a school depends on two parties. Right? For it to achieve its main purpose, which is to educate, it must have a mutual relationship between those two parties. The students and the teachers. There is a third party which assists the accomplishment of the goal of the school but it would not be discussed here.

The system of the school is that the teachers teach, while the students learn. But sometimes, the students teach and the teachers learn. Either way, the definition is still reached. One learns, while the other educates. But, as all things in life are not simple, a simple system like that becomes complicated, for not only does a school include one relationship, it includes a LOT. a whole network. (parang friendster and effect)

Another thing about school is that for most people it is their second community after home. Therefore their being is usually drafted there. Thir principles, beliefs, values (VALUES!) are molded there. ESpecially in maksci. You stay in school for 12-13 hours. When you go home you spend approximately all of the remaining hours for homework or for ranting about homework. So that constitutes your 24 hours a day.

What i am trying to point out is that school is very important. Like that is so cliche. but though it is hell, (and i think worse than that) it is a community and it is supposed to work like that. It is supposed to Educate someone. WE learn a lot from school.not from those books, but from the people we become involved with.

Our past shapes our present and our present becomes our past that shapes our future. The people in our memories. The people that affected us and that we affected - not the facts we learned. Are the ones that we will carry for the rest of our lives. They are responsible for who we are. Therefore, I conclude, (with the use of my careless logic) that if we disrespect the people now, we are disrepecting ourselves, or more importantly, we are disrespecting or stunting the future that we may have. now, this post will then lead to fate and cosmic churva. but I do not want to write about that.

So, this is the end. of the post. after Friday the 13th.

Friday, July 13, 2007

Ang Epiko ng Pag-ibig

Wala akong credible na karanasan sa paksang napili kong isulat ngunit marami at umaapaw ang karanasan ko sa mga pagsusulat ng lab letter, mga umiiyak na dalaginding, mga chords at tabs ng love songs, mga maiingay na tilian ng mga namumulang babae at mga overly cheesy kowts sa telepenong pinangkakaskas sa sahig.

Ang epiko ng pag-ibig, simple lamang ang magmahal. isang suliranin lamang ang nakaatang -- ang makasama ang iyong sinisinta. Ngunit dahil hindi lamang dalawa ang populasyon ng mundo, ay nagiging isang nobelang pagkahaba-haba ito, mas maikukumpara mo ito sa mga sobrang nakakapagod subaybayan na teleserye ng aking mga tita. Minsan ay nagpakasal na ang bida ay may darating na namang goons na maglalagay ng bomba sa simbahan at papasabugin ito. well, direktor at iskriptwriter nga naman ang may sala dito, pero tingin ko ang kumpanya ng telebisyon ang dapat sisihin!.haha

Ang epiko ng pag-ibig. Simple lamang -- mahal kita --. O diba, tapos na? Pero dahil sa mga cheesmosa at cheesmoso, mga ibang goons at goonses, nagkakahiwalay ang mag-irog at napapariwara. at sa dami na nga tao sa mundo ay hindi mo na tuloy masilyan ulit ang iyong kasintahan.

Ang epiko ng pag-ibig. Mahal mo ako pero hindi kita mahal. Mahal ko ang best friend mong may mahal ng iba. Ang mahal ng mahal ng bestfriend mo ay may mahal na iba. O di ba ang mahal? Maari namang hindi best friend, maaring isang complete stranger. pero, sadyang mahabng itype ang complete stranger kaysa best friend di ba?

Ang konklusyon ng epiko ng pag-ibig. Hindi ito matatapos. makakaabot na sa googolplex ang bilang ng 'mahal' ay hindi pa ito matatapos. Maraming mga solusyon ang puede, isa-isahin natin.

Una, puede mong patayin ang mga tao sa mundo upang makita mo ulit ang dalisay na pag-ibig -- ang pinakbrutal at pinakaagresibong parann. (mass destruction ba naman) Ngunit may problema, paano kung hindi mo siya kilala?, baka makapatay ka lang at mauwi sa wala -- ok lang naman un dahil ang overpopulation ang main cause ng mga problema natin ngaun. Tingnan mo, pati ang maling family planning ay nakadadagdag sa mga suliranin ng pag-ibig.

Pangalawa, puede ka namang pumunta sa manghuhula, para maipakita sa iyo ang iyong someone, tapos hahagilapin mo na lamang siya. May problema din, paano kung ang sinabi ng manghuhula ay nasa Norway? Napakagastos naman nun, pero kung marami ka namang pera, why not, daba?

Pangatlo, puede ka rin namang kumatok sa mga pintuan ng siyensya, genetic engineering. ngunit, hindi pa ito tested. at ako ay against sa cloning o manufacturing ng humans kaya hindi mo ito puede gawin. :)

Pang-apat, mag-sun ka. Maramikang katext dun, marami kang makikilala. kaya ayun, parang speed-dating. pero may problema, hindi kayo puede magpakasal thru text diba? kaya kailangan mo siya makita, paano kung ang iyong someone sa text ay kamukha ni -------? O gad! wag na lang di ba? Tska magastos din ito, pero kung maraming kang pera, why not?

Panglima - tinatawag ko din itong ang paraan ng mga dakila. Ang paghihintay. Ang paghihintay ang pinaka magandang paraan upang makita mo ang dalisay na pag-ibig. Bakit kamo? Dahil sa paghihintay mo ay naiimprove mo ang iyong sarili, napreprepare mo ang puso mo para sa kanya o sa Kanya, kung talagang ikaw ay dakila. Ang paghihintay kay someone ay hindi magastos, hindi nakakatakot, hindi mapagmadali, ang masam lamang dito ay time-consuming. Pero ang paghihintay sa dalisay na pag-ibig ay base sa kaisipang ang ating buhay ay pinamamahalaan ng isang napakagandang isckript. at nakasulat si someone sa isa sa mga chapters nito.

Ngunit sino ba naman ako para mang-husga? Kahit saan man o kahit kailan man mo nakita ang dalisay na pag-ibig na iyan, pag-ibig pa rin iyan, ineng at inong. Alagaan mo, kahit na sigurong hindi ka sigurado at baka tagilid ang kalabasan, isipin na lamang na isang chapter closer ka na kay someone.

haay..ang dakilang epiko ng pag-ibig..ang corni.

one-hour

I only have an hour of sleep kanina. pero that's ok, I am in desperate neeed to update this blog, actually i've come up with 3 topics..which i'll be writing tonight, since i don't know when the next time would be..

updates sa buhay ko:

malapit na ang mga pressworks sa vision.
maraming mga kaganapan na i prefer not to put here.
wala akong tulog.
addicted ako sa chocolayt at treadmill.
i am always in a dreamlike world.

un lang muna...