Friday, July 13, 2007

Ang Epiko ng Pag-ibig

Wala akong credible na karanasan sa paksang napili kong isulat ngunit marami at umaapaw ang karanasan ko sa mga pagsusulat ng lab letter, mga umiiyak na dalaginding, mga chords at tabs ng love songs, mga maiingay na tilian ng mga namumulang babae at mga overly cheesy kowts sa telepenong pinangkakaskas sa sahig.

Ang epiko ng pag-ibig, simple lamang ang magmahal. isang suliranin lamang ang nakaatang -- ang makasama ang iyong sinisinta. Ngunit dahil hindi lamang dalawa ang populasyon ng mundo, ay nagiging isang nobelang pagkahaba-haba ito, mas maikukumpara mo ito sa mga sobrang nakakapagod subaybayan na teleserye ng aking mga tita. Minsan ay nagpakasal na ang bida ay may darating na namang goons na maglalagay ng bomba sa simbahan at papasabugin ito. well, direktor at iskriptwriter nga naman ang may sala dito, pero tingin ko ang kumpanya ng telebisyon ang dapat sisihin!.haha

Ang epiko ng pag-ibig. Simple lamang -- mahal kita --. O diba, tapos na? Pero dahil sa mga cheesmosa at cheesmoso, mga ibang goons at goonses, nagkakahiwalay ang mag-irog at napapariwara. at sa dami na nga tao sa mundo ay hindi mo na tuloy masilyan ulit ang iyong kasintahan.

Ang epiko ng pag-ibig. Mahal mo ako pero hindi kita mahal. Mahal ko ang best friend mong may mahal ng iba. Ang mahal ng mahal ng bestfriend mo ay may mahal na iba. O di ba ang mahal? Maari namang hindi best friend, maaring isang complete stranger. pero, sadyang mahabng itype ang complete stranger kaysa best friend di ba?

Ang konklusyon ng epiko ng pag-ibig. Hindi ito matatapos. makakaabot na sa googolplex ang bilang ng 'mahal' ay hindi pa ito matatapos. Maraming mga solusyon ang puede, isa-isahin natin.

Una, puede mong patayin ang mga tao sa mundo upang makita mo ulit ang dalisay na pag-ibig -- ang pinakbrutal at pinakaagresibong parann. (mass destruction ba naman) Ngunit may problema, paano kung hindi mo siya kilala?, baka makapatay ka lang at mauwi sa wala -- ok lang naman un dahil ang overpopulation ang main cause ng mga problema natin ngaun. Tingnan mo, pati ang maling family planning ay nakadadagdag sa mga suliranin ng pag-ibig.

Pangalawa, puede ka namang pumunta sa manghuhula, para maipakita sa iyo ang iyong someone, tapos hahagilapin mo na lamang siya. May problema din, paano kung ang sinabi ng manghuhula ay nasa Norway? Napakagastos naman nun, pero kung marami ka namang pera, why not, daba?

Pangatlo, puede ka rin namang kumatok sa mga pintuan ng siyensya, genetic engineering. ngunit, hindi pa ito tested. at ako ay against sa cloning o manufacturing ng humans kaya hindi mo ito puede gawin. :)

Pang-apat, mag-sun ka. Maramikang katext dun, marami kang makikilala. kaya ayun, parang speed-dating. pero may problema, hindi kayo puede magpakasal thru text diba? kaya kailangan mo siya makita, paano kung ang iyong someone sa text ay kamukha ni -------? O gad! wag na lang di ba? Tska magastos din ito, pero kung maraming kang pera, why not?

Panglima - tinatawag ko din itong ang paraan ng mga dakila. Ang paghihintay. Ang paghihintay ang pinaka magandang paraan upang makita mo ang dalisay na pag-ibig. Bakit kamo? Dahil sa paghihintay mo ay naiimprove mo ang iyong sarili, napreprepare mo ang puso mo para sa kanya o sa Kanya, kung talagang ikaw ay dakila. Ang paghihintay kay someone ay hindi magastos, hindi nakakatakot, hindi mapagmadali, ang masam lamang dito ay time-consuming. Pero ang paghihintay sa dalisay na pag-ibig ay base sa kaisipang ang ating buhay ay pinamamahalaan ng isang napakagandang isckript. at nakasulat si someone sa isa sa mga chapters nito.

Ngunit sino ba naman ako para mang-husga? Kahit saan man o kahit kailan man mo nakita ang dalisay na pag-ibig na iyan, pag-ibig pa rin iyan, ineng at inong. Alagaan mo, kahit na sigurong hindi ka sigurado at baka tagilid ang kalabasan, isipin na lamang na isang chapter closer ka na kay someone.

haay..ang dakilang epiko ng pag-ibig..ang corni.

5 comments:

Anonymous said...

Uy!!! parang bob ong!! ahahahhaha

I have an idea!!

What If gumawa tau ng book na parang kay BOB ONG!!!

AHAHHAHAHAHHAHHAHA

Dat is If you like.... :|

:D

Oh well...

Just having these Crazy Ideas

xabie said...

okie..ahaha.pero magaling un magsulat.

time.time.time
darn it.
ang dami sana nating maaaccomplish kung meron lang time.time.time

thanxie for the comment

:)

Anonymous said...

uh..

ewan ko..

pareho ba tayo ng istilo sa pagblog?

sali na lang ako pag OO..

nakakasira ng ulo ang love..kaya kung ako sa iyo, wag mo na i-try again and again..

kung ako nga lang, ayoko na rin..

xabie said...

uu nga..
e

kaya hindi ko ittry

nakakabaliw

masama ang masyadong pagkabaliw.

thanx sa comment

:)

Gus said...

Sali ko sa book writing project thingy niyo. Grabe ah, nakaktuwa tong post na to. Genre is romantic comedy. Sigh, well ganyan talaga ang buhay. Good luck na lang sa mga buhay natin