Dahil trip ko lang at blog ko 'to. Manigas kayo!
Okay, basagulero ang personality ko today.
But seriously, the reason I feel compelled to write this post is because I just have to have to HAVE to mark this day as a special day, to rival 08/08/08 (may fireworks up in the air ek ek pa kasi noong araw na iyon.)
So,how the hell do I rival that fireworks ek ek, beach crashing day??
MMMmm (xab is thinking, xab is thinking....)
AHA! Sasabihin ko na lang kung ano ginawa ko ngayon! YAY!
Unang remarkable thing na ginawa ko ngayon: Napagalit ko si Choyce, correction-- napainis pala. Ang laki kasi ng bukas ng bibig ko minsan eh.

kitams?
Pangalawang remarkable thing na ginawa ko: Ginawa kong payong ung styrofoam na kasing laki ng pintuan. I mean, (dahil ayokong gamitin ang backspace key), kaming dalawa ni I. Hindi tuloy ako binati nung tao na hindi ko kilala pero alam kong kilala ko siya na palagi akong binabati kanina. siguro, eto iniisip niya. ("Ay, weirdo pala siya, siguro di nya manonotice kung igreet ko siya or hindi.")
Pangatlong remarkable thing na ginawa ko: Actually, eto ung pinakauna, but I'm just too lazy to push the backspace key, so pangtatlo na lang, naganap ito ng 12:00-12:30 AM kaya ngayong araw pa rin iyon. :D: Natapos ko ang PARA KAY B ni Ricky Lee. wait lang, kukunin ko ung libro para iquote.....
At noon na-realize ni Lucas, tapos na siya kay Bessie. At tapos na rin siya sa mga kwento. Pag-uwi ng bahay ay buburahin niya ang file at wala nang makakabasa pa ng mga iyon. Dahil hindi mo puwedeng mahalin ang isang tao nang hindi mo minamahal ang hilaga, silangan, timog at kanluran ng kanyang mga paniniwala. Kapag nagmahal ka'y dapat mong tanggapin bawat letra ng kanyang birth certificate. Kasama na doon ang kanyang libag, utot at bad breath. Pero me limit. Pantay-pantay ang ibinibigay na karapatan sa lahat ng tao upang lumigaya, o masaktan, o magpakagago pero kapag sumara na ang mga pinto, nawasak na ang mga puso, nawala ang mga kaluluwa at ang bilang ay umabot na sa zero, goodbye na.
Pang-apat na remarkable thing na nagawa ko ngayon: Nagbukas ako ng Facebook page! (DAhil ito sa MR and MRS SOM blah blah. No comment.) :D HAHA. At dahil wala pa akong facebook, dahil wala akong tiwala sa sarili ko na matitigilan ko ang mga games games dun, kaya hindi ako nagseset-up ng Facebook. HAHA.
Pang-apat at kalahati (4.5) na remarkable thing na nagawa ko ngayon: Finifill-up ko ung leadership summit form pero hindi ko matapos tapos dahil may tanong na "If you were given 1M,what would you do with it" Explain in 3 lines or less.
4.5 lang yan dahil kalahati yan ng 9, at tinatamad akong maghanap pa ng 4.5 na remarkable na ginawa ko ngayon. Tinatamad ako pilitin ang sarili kong maghanap pa ng 4.5 remarkable thingyies that would rival the 08/08/08. Dahil, hindi talaga eh. :D May fireworks ek ek pa kasi. Hindi iyon supported ng browser ko.
Babye.
No comments:
Post a Comment