Monday, September 21, 2009

Tolpu

hindi mo kayang abutin iyong dulo
ng sakit na
inuukit mo sa akin
Okay lang iyan,

lilipas din ang lahat. at dadaloy ulit ng kusa
ang mga salita.
Ngunit ngayon,

makukuntento muna
tayo sa paputol
putol na hinagpis,

parang halatang
pinarata na pelikula.

Lilipas din ang lahat.

No comments: